Wednesday, October 28, 2009

Our not-so-favorite loveteam face new SAD rumors!



Here are a few of some write-ups about the couple:

From Ambet Nabus of Pinoy Parazzi:

MUKHANG HINDI NGA talaga fair na sabihing ang tandem nina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang ka-match ng tandem nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Hindi talaga papayag ang libu-libong supporters ng Kimerald dahil sa last fashion show ng Bench ay makikita talaga kung sino at aling love team ang kinabog. Literal na nakabibingi ang tilian kina Kim at Gerald at nagmukha talagang kawawa sina Kris at Aljur, maliban sa ilang mga bading na todo ang hiyaw for the Kapuso hunk.

Kahit nga sa pagrampa ay walang comparison ang dalawang parehas, kaya nga ‘yung balitang pag-mama-asim ni Kris sa mga fans ay nakakaloka.

From Archie de Calma of Pinoy Parazzi:

PINAGSAMA-SAMA RECENTLY ang mga Kapuso at Kapamilya stars sa nakaraang fashion show ng Bench, Human at Kashieca na ginanap sa SM Mall of Asia Main Atrium at du’n makikita kung sino talaga ang sikat at tunay na may dating dahil tinitilian talaga sila ng mga audience.

Sa pagbulaga pa lang nina Gerald Anderson, Jake Cuenca at Kim Chiu ay dumadagundong na ang response ng mga manonood sa kanila.

Nasorpresa kami kay Coco Martin. Ganoon na pala talaga siya kasikat dahil halos kasing-tindi na rin ng tilian ng mga manonood sa kanya ang narinig at nakita namin na gaya sa mga naunang Kapamilya stars na nabanggit namin.

Sa Kapuso stars, ang talagang nangibabaw sa tilian ng fans ay si Dingdong Dantes at wala nang iba pa.

Hindi namin inaasahan ang luke warm na response ng publiko sa pagrampa ni Carla Abellana. It’s like saying na hindi pa siya masyadong tanggap ng publiko kahit nagbibida na siya sa Rosalinda ng GMA-7.

Mas naaliw pa ang maraming manonood sa presence ni Elizabeth Ramsey sa pagpapakwela nito sa rampa.

Puwedeng maging reliable na basehan ng kasikatan ang ganito. Sa Trinoma noon, nang i-launch ang Raw Black OJ ng Bench na ang endorsers ay sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, walang masyadong mainit na tilian sa kanila.

Ngayon daw ay si Carla Abellana ang susubukang mai-pareha kay Aljur. Kawawa naman si Aljur. Mukhang nahihila siyang pababa ng mga nakapapareha niyang babae.

photo courtesy of pinoyexchange.com

11 comments:

  1. sikat nmn talaga ang kimerald..
    cla my class
    cna kris na yan.. pang LO CAL..

    ReplyDelete
  2. wala n bng ibang news...

    ReplyDelete
  3. nagmamadali ka?
    oo ngmamadali ako..

    ReplyDelete
  4. haha. siguro bayaran ka na naman ng kapuso kaya nakikigulo ka na naman sa site na to. dun ka na lang sa starmometer total, pag-aari nio namn yun! LOSER!

    ReplyDelete
  5. i agree. palayasin ang mga talunang kapuso dito!

    ReplyDelete
  6. nabasa ko sa pep ilalagay yung alkris sa isang fantaserye. para marevive ang nila ang naunsyaming kasikatan lol!

    ReplyDelete
  7. sumobra ng 'ang'. nakakadistract kasi picture nila lol!

    ReplyDelete
  8. toinkz wat a loser??di tlga cla dapt i-compare ang layu-layo nila

    ReplyDelete
  9. wala pa naman kase napapatunayan ang aljur at kris na yan ay pilit na ikinu kumpara sa namamayagpag na kimerald. ayan tuloy nagmumukhang kawawa. sana maging sensetibo ang handlers ng gma artists para di mapa hiya mga artista nila.

    ReplyDelete
  10. feelingera kasi yang aljur and kris na yan wahahaha

    ReplyDelete