Thursday, December 17, 2009

Kim Chiu on I Love You Goodbye experience


Kim Chiu shared lots of stuff in an interview with abscbn.com. Here are some of her words:
“First time na wala si Gerald kaya nakakapanibago. Nasanay akong si Gerald ang lagi kong katrabaho at kakwentuhan sa set. Kapag alam kong si Gerald ang makakasama ako kampante ako na meron akong ka-close agad sa first week na ‘yung ibang co-stars e hindi mo pa masyadong makakwentuhan.”
“Dito sa I Love You, Goobye naka-meet naman ako ng mga bagong kaibigan. Si Angelica sobra siyang nakakatuwa kasama. Ang saya niya kakwentuhan. E sa story magkagalit kami kaya kapag take na minsan sinabi ko ‘Teka lang, natatawa pa ako!’”
“Si Angelica at si Derek sobra silang kalog. Lagi nila akong binibiro lalo na si Angelica. Si Derek naman naging parang kuya sa akin kasi lagi niya akong binibigyan ng advice.”
“Si Tito Gabby sobrang cool kasama, parang barkada lang.”
“Sa una parang naninibago ako kasi hindi ko alam kung magagawa ko ba ‘yung role. Baka maraming magalit sa akin o tingin nila hindi bagay sa akin maging maldita. Pero tinanggap ko ‘yung role kasi kakaiba siya. Sa end ng 2009 mapapanood niyo ako na iba ang ugali, hitsura, kumpara sa nakasanayang makita sa akin.”
“Aside from love story, may family drama rin kaya makaka-relate ang lahat ng Pilipino. Mararamdaman nila ‘yung pagmamahal ng father and daughter, between two lovers. Punong puno ng pagmamahal at aral itong pelikula namin. Marami ring twists kaya magugulat lahat ng tao na manonood.”

photo courtesy of abs-cbn.com

2 comments:

  1. wag ka magalala kim panunuorin ko movie mo kahit ano role mo.ok lng basta andyan ka kasama manunuod ako.

    ReplyDelete