Friday, December 4, 2009

PBB Daily: How do the housemates usually celebrate Christmas?


Rica:Career woman talaga itong si Rica! Gaya ng kwento niya noong birthday niya, hindi siya madalas mag=celebrate ng special occassions. If ever man, simpleng salu-salo lang with an intimate group. Usually kasi, nasa trabaho pa rin siya kahit Pasko, full operations pa din sila. If ever, iniinvite niya na lang ang family niya pumunta sa Maynila para naman magkasama-sama sila. Last Christmas na yata 'yung may akiba siyang experience, kasi nag-road trip sila ng mga office barkada niya to the north.
Melai:As usual, puro facial expressions at bibong kwento ang sharing ni Melai. Pag Christmas, may exchange gifts ang family nila sa mom's side, pero secret lang. Kumakanta sila habang nagbibigayan ng gifts, tapos sabay-sabay din na magbubukas ng regalo. Uso din kina Melaia ng simbang gabi, caroling at paputok. Syempre ang mga lolo at uncles, gusto mabilisan na ang mga activities, kasi mag-iinuman pa sila. After ng Noche Buena, mag-iikot na sila sa mga bahay ng kaibigan nila para kahit Pasko, magkakasama pa rin sila.
Carol:Hindi pa nagsisimula si Carol ng turn niya, naluluha na agad siya. Very ordinary daw kasi ang Christmas niya, not so much to share. Aside from the typical reunion on her mom's side during the 24th, wala nang masyadong celebration. May time pa nga na wala 'yung mom niya dahil nagtatrabaho sa Taiwan. Dec. 25 naman, nandun sila sa side ng dad niya. Sad talaga ang Pasko for Carol, wala nga siyang masyadong fond family memories. Ayaw gumive-up ni Melai, kaya nagtanong ito tungkol sa school celebrations ng Christmas. Dito medyo sumaya si carol. Naalala niya na kinakantahan sila ng principal nila sa loudspeaker at binibigyan ng candies. Nagpeprepare din sila ng donations for the poor, at may contest na padamihan ng donation na maibibigay. Hindi din siya masyadong sumasali na Christmas parties, kasi hindi daw siya pianpayagan. Isa pa, pinipili niyang mag-aral na lang kesa mag-participate sa mga extra stuff ng Christmas. Ang happy Christmas memory niya ay 'yung nasa college na siya sa UP at nag-attend siya ng Lantern Parade. Last year 'yung pinaka-okey kasi centennial celeb ng UP at maraming fireworks.
Cathy:Maaga ang Christmas kina Cathy. September pa lang, naglalagay na ng Christmas decors sa bahay nila. Typical Pinoy diba, Pasko na pagpasok ng "-ber" months? nagsisimba at nagdadasal sila ng evening prayer on the 24th, tapos amy group sharing din ang family nila. Dahil malapit na din ang Noche Buena, hindi na sila natutulog. Pag Dec. 25 na, exchange gifts na sila.

photos and stories courtesy of pinoybigbrother.multiply.com

1 comment:

  1. Nakaka irita na ang Carol ha. I am beginning to dislike her.

    ReplyDelete